Thursday, June 5, 2014

Spurs dinagit ang Game 1 kontra Heat

sas-heat-g1


NANAIG ang bagsik ng San Antonio Spurs at pinataob sa Game 1 ng best-of-seven series ang defending champion Miami Heat, 110-95.


Kumana ng 15 puntos si Tim Duncan made upang lamangan sa pagtatapos ng 1st half ang koponan ni 2-time MVP LeBron James.


Kapwa may magandang simula rin ang dalawa pa sa “Big Three” ng Spurs na sina Manu Ginobili na may 11 puntos at Tony Parker na may 10 puntos sa unang bahagi ng laro.


Nag-ambag din upang sungkitin ang 1-0 lead ang tatlo pang starting lineup na sina Danny Green na may 13 puntos kabilang ang tatlo mula sa arko, Kawhi Leonard na may 9 puntos at Tiago Splitter na may 14 puntos.


Mahigpit na opensa at depensa ang ginawa ng dalawang koponan tulad noong nakaraang taon kung saan nagtala ito ng pitong lead changes at apat na pagtabla sa iskor.


Samantala, kumana naman sina LeBron James ng 25 puntos, Dwayne Wade, 19 puntos at Chris Bosh, 18 puntos ngunit ‘di sumapat upang talunin ang Spurs sa teritoryo nito.


sas-heat-game-1


Magugunitang ang Heat ang pangalawang koponan sa NBA ang sumalang sa finals sa ika-apat na sunod na taon kung saan una rito ang Boston Celtice noong 1984-87.


Nanatili ang maliliit na stating lineup ng Heat, kasama si Rashard Lewis bilang starting forward na salungat naman sa Spurs na nanatili sa malaking lineup at pinasok si Tiago Splitter sa starting five.


Si Bosh ang nagsalpak ng unang limang puntos ng Heat, 7-2, na binawian naman mula sa bench ni Ginobili na bumira ng dalawang sunod na tres at kinuha ang kalamangan, 18-13.


Lamang pa ang ang Heat sa unang canto, 19-18, nang bumira si Ginobili ng tres at lumamang, 21-19, na isinara naman ni Patty Mills sa isa pang tres, 26-20.


Lumamang ng apat ang Spurs, 42-38, sa malupit na pasa ni Boris Diaw kay Duncan na isinalpak ang one-handed dunk.


Sa third canto, lumamang ang Heat, 73-69, nang pumukol ng tres si James mula sa sablay ni Norris Cole, na sinundan naman ng dunk mula kay Ray Allen mula sa turnover ng Spurs.


Bago matapos ang ikatlong canto, bumira pa ng tres si LeBron James ng buzzer beater na tres kung saan lamang ang Heat, 78-72.


Kumana naman si Bosh ng 4-pt. play dahil sa foul mula kay Duncan, wala ng 10 minuto sa payoff period, 86-79.


May 5:36 na lang ang nalalabi nang makuha ng Spurs ang kalamangan mula sa pamatay na tres ni Danny Green, 90-88.


Sa paglabas kay James dahil sa cramps ay nakapasok nanaman si Danny Green ng tres upang lumamang ng lime, 97-92, 3:45 ang nalalabi sa gameclock.


Kumana pa ng tres si Parker, 105-95, may 1:14 na lang sa huling bahagi ng laro at hindi na muling nakapuntos ang Heat.


Kabuuang 21 puntos ang naitala ni Tim Duncan at 19 naman para kay Tony Parker.


Gaganapin ang Game 2 sa Linggo ng gabi, Lunes ng umaga dito sa Pinas, sa San Antonio.


The post Spurs dinagit ang Game 1 kontra Heat appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Spurs dinagit ang Game 1 kontra Heat


No comments:

Post a Comment