Thursday, June 5, 2014

Ama sa Cebu, 8 oras nang-hostage ng mga anak

NAKAANTABAY pa rin ang mga awtoridad sa labas ng bahay ng amang nang-hostage ng kanyang mga anak sa Barangay Tabok, lungsod ng Danao, Cebu.


Nasa loob pa rin ng bahay ang suspek na si Eduardito Durano, armado ng .45 pistol at hostage ang kanyang mga anak sa loob na ng walong oras.


Pahirapan ang pagpasok ng mga pulis sa bahay dahil nasa second floor ang kinaroroonan ng suspek at ang mga hostage nito.


Nitong umaga, nag-demand ang suspek sa mga pulis na ipagbawal ang media at pagkuha ng video footage.


Kaninang hatinggabi ay naalarma ang mga tao sa downtown matapos nagdala ng baril ang suspek.


Nang rumesponde ang mga awtoridad, agad tumakbo ang suspek sakay ng kanyang multicab at nang dumating sa kanyang bahay ay hinostage ang mga anak upang hindi makalapit ang mga awtoridad.


The post Ama sa Cebu, 8 oras nang-hostage ng mga anak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ama sa Cebu, 8 oras nang-hostage ng mga anak


No comments:

Post a Comment