IPAGPATULOY natin ang pagtalakay sa ginawang ‘snopaking’ at pagbura umano ni Atty. Policarpio Espenesin ng Registry of Deeds ng Pasig City sa pangalan ng ASB Realty Corp., sa titulo ng 39 units na condo nito sa Malayan Plaza, Ortigas, Mandaluyong.
Pupuwede palang madyikin o doktorin ninoman ang mga dokumento sa lahat ng ahensya ng gobyerno gaya ng ginawang pagbura sa pangalan ng ASB Realty.
Mantakin ninyo, nakapagtatakang malayang nailipat ng Malayan Insurance Company sa pangalan nila ang 39 units ng condo ng ASB Realty.
Tangna naman oh…
Ang masakit pa nito, kung sino pa ‘yung taong gobyerno na dapat magpoprotekta sa ating mga ari-arian ay sila pa ang mga nagsisilbing kasabwat ng mga gahamang negosyante tulad nitong si Atty. Espenesin ng Registry of Deeds ng Pasig City.
Naisagawa ang pag-“snopake” o pagbura sa titulo ng 39 units ng condo ng ASB nang makipagsabwatan sina Malayan Exec. Pres. Yvonne Yuchengco at mga kasamahan nito kay Espenesin.
Bakit ‘di n’yo aksyonan ang ‘anomalyang’ito, Finance Sec. Cesar Purisima?
Anong mayroon sa Registrar of Deeds? Boom…panis.
NAKAPUNTOS ANG PNP AT NCRPO
NAGING matiwasay ang opening ng klase sa taong ito dahil sa sipag at programang inilatag ng PNP at NCRPO.
Siniguro nila ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at magulang na pumunta sa mga paaralan.
Bukod pa rito ay maganda rin ang ginawang programa ng PNP at NCRPO para masiguro naman ang kaligtasan ng mga delegado na lumahok sa international events gaya ng ASEANOPOL at World Economic Forum kamakailan.
Congratz: PNP chief Gen. Alan Purisima at NCRPO chief Gen. Mel Valmoria.
Sana’y ipagpatuloy ninyo ang pagpapanatili ng kaligtasan ng mga batang nag-aaral at katahimikan sa paligid ng paaralan ng buong taon, kasama ang iba pang nangangailangan ng presensya ng kapulisan.
Mabuhay kayo!
***
Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.
The post ‘SNOPAKING’ AT PAGBURA SA DOKUMENTO, BUSISIIN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment