Wednesday, June 11, 2014

Selebrasyon ng Kalayaan, magiging maulan – PAGASA

INAASAHANG magiging maulan ang selebrasyon ng ika-116th araw ng Kasarinlan ngayon dulot ng hanging habit kahit palabas na sa Philippine area of responsibility ang bagyong Ester.


Ang habagat ay hanging nagmumula sa West Philippine Sea na may kakayahang magdala ng mga pagbaha at pagguho ng lupa kung magpapatuloy.


Dahil dito, pinaghahanda ng PAGASA ang mga may isasagawang aktibidad sa mga parke ngayong araw kaugnay ng 116th Independence Day celebration.


Paliwanag ng Pagasa, kahit malayo na ay lumakas naman bilang tropical storm ang bagyong Ester kaya mas maraming kaulapan mula sa kanlurang bahagi ng ating bansa ang nahahatak nito.


Magugunitang habagat din ang nagdala ng baha sa malaking bahagi ng Luzon noong mga nakaraang taon dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.


Sa ngayon ay wala pang ibang sama ng panahon na nabubuo sa loob ng PAR.


The post Selebrasyon ng Kalayaan, magiging maulan – PAGASA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Selebrasyon ng Kalayaan, magiging maulan – PAGASA


No comments:

Post a Comment