Wednesday, June 11, 2014

ASG leader, bantay sarado ng PNP sa Crame

NAKAKULONG na sa Camp Crame ang kumander ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nagsisilbing financier ng bandidong grupo matapos maaresto sa Barangay San Dionisio, Paranaque City kaninang umaga.


Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group Spokesperson C/Insp. Beth Jasmin, nakilala ang ASG leader na si Khair Mundos.


Matatandaang si Mundos ay naging pugante noong 2007 sa Kidapawan, Cotabato nang saklolohan ito ng kanyang mga kapwa bandido.


Nabatid na ito ang tumatanggap ng pondo mula sa Al Qaeda at ipinapasa ang pera lokal na grupo sa Pilipinas para sa terrorist activities.


May nakabinbing warrant of arrest ang PNP kay Mundos sa mga kasong multiple murder, frustrated murder at iba pa.


The post ASG leader, bantay sarado ng PNP sa Crame appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ASG leader, bantay sarado ng PNP sa Crame


No comments:

Post a Comment