Tuesday, June 3, 2014

Sapilitang HIV test sa kalalakihan sinopla

INALMAHAN ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ang panukalang sapilitang HIV test sa mga lalaki lalo na sa mga bakla dahil labag ito sa karapatang pantao.


Sa halip ay sinabi niyang papaboran niya kung ito ay “community-led” HIV testing.


Paliwanag ng kongresista na maganda man ang layunin ng compulsory HIV testing ay maaari pa rin itong kwestyunin sa alinmang korte.


Reaksyon ito ni Castelo sa plano ng Department of Health (DoH) na magsagawa ng compulsory HIV testing sa kalalakihan.


Dahil dito, maghahain ng resolusyon si Castelo upang udyukan ang House Committee on Health na pinamumunuan ni La Union Rep. Eufranio Eriguel na magsagawa ng imbestigasyon sa ulat na biglang paglobo ng bilang ng kaso ng HIV sa bansa at ang hakbang na ginagawa ng DoH upang ito ay labanan o sawatain.


The post Sapilitang HIV test sa kalalakihan sinopla appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sapilitang HIV test sa kalalakihan sinopla


No comments:

Post a Comment