MABAHO. Marumi. Maantot. Nagdadala ng sakit sa mga tao at hayop din. Nakamamatay. Iyan ang putik.
Sa tao, may maituturing na putik. Sila ang mga gumagawa ng kasamaan at walang katapusan na mali laban sa interes ng bayan at mamamayan. Kadalasan, ang mga katulad ng putik ay mga politiko, ehekutibo at mga kasabwat sa paggawa nila ng kasamaan.
Isang nakasusuka na halimbawa ng putik ay ang PDAF-DAP-Malampaya Fund scam.
Baliktarin man ng maraming ikot, wala nang babaho pa sa amoy ng pandarambong na ito. Hindi lamang si pork barrel scam queen Janet Napoles ang sangkot sa pribado, pinakamatindi ang koneksyon niya sa lahat.
Sa mga nangyayari ay kalituhan ang naghahari sa isyu ng pork scam ni Napoles.
Hindi tayo dapat magpalinlang sa mga politiko, ehekutibo, mga abogado at public relations operators na lumulutas ng krisis dala ni Napoles.
Dapat habambuhay sa kulungan ang mga ito. Wala na kasing death penalty hindi ba?
Walang karapatan si reyna Janet na humirit kaninoman na lider ng bansa. Kay G. Benigno Aquino III, Mar Roxas, Justice Leila de Lima, Franklin Drilon, TG Guingona o maski pa sa National Bureau of Investigation (NBI). Kesehodang aminin pa niya na nagbayad siya ng P150 milyon huwag lang siyang idiin nang sobra.
Nakasawsaw sa putik sina rehab czar Panfilo Lacson na kaklase (?) ni Major Jimmy Napoles sa PMA noon. Tumapak din sa putik si whistleblower Sandra Cam. Idagdag ang unang nagbuhos ng putik ng pork barrel scam na si Benhur Luy at mga kapwa niya empleyado ng JLN Corporation noon.
Ang hustisya, dapat ay may piring sa mata na ibig-sabihin ay nagtakip ito para maging pantay ang pagkilala sa batas. Ikulong ang maysala at palayain ang inosente. Nangyayari ba ngayon iyan sa kamay ni De Lima at maski sa Korte Suprema?
Sa mga mapanlito na isyu kung sino ang mga sangkot na dapat managot at sino ang mga inosente, isa-isahin muna para walang gulo at hindi makulapulan ng putik. Unahing basahan ng kaso si Napoles at parusahan agad.
Itigil na ang pagngawa ng MalacaƱang. Kung dapat managot si teacher Butch Abad, si Proceso Alcala (liar, sabi niya balik exporter tayo sa agrikultura 2 taon pag-upo niya!) at posibleng ang Pangulo mismo, dapat panagutan nila ang kanilang kasalanan sa bayan.
Ang patuloy na ingay mula sa MalacaƱang, sa Kongreso, sa media at mga kapihan, putik na nakamamatay kung ganyan!
The post PUTIK appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment