ILANG taon na rin ang nakakalipas nang isulong ko sa Quezon City ang pagbuhay sa konsepto ng tamang pagkilala at pagrespeto sa “Zebra lanes” sa buong lungsod.
Ang napansin ko noon pa ay ang tila pababa nang pagtingin sa importansya ng mga puting linyang ito na tawiran ng mga tao.
Hindi na halos igalang ng mga motorista ang tawiran, imbes na tumigil para magbigay raan para sa mga tumatawid ay nakikipag-unahan pa sa mga tumatawid.
Napakadelikado lalo sa mga bata at matatanda.
Noong nakaraang linggo ay napabalita ang balak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pinturahan ang pedestrian lanes o zebra lanes.
Ayon sa MMDA, ito raw ang kontribusyon nila sa Department of Education para sa pagbubukas ng klase ngayong araw na ito. Maganda ang naiisip ng MMDA na ito, pero pintura?
Bilang isa sa mga ahensya ng gobyerno na naatasan ng pamahalaan para siguraduhin ang maayos na daloy ng trapiko at siguraduhin din ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga lansangan, mas higit pa sa pagpipintura ng mga pedestrian lanes ang dapat na gawin ng MMDA.
Panahon na para muling silipin at muling patatagin ang batas patungkol sa mga pedestrian lane na ito.
Kung ano ang mga tinutukoy ng batas patungkol sa kung bakit may zebra lanes sa mga strategic na lugar sa lungsod at kung anong mga karampatang parusa ang naghihintay sa mga lumalabag sa batas na ito.
Hindi sapat ang pintura lang. Mas malalim ang problema sa mga kalsada, mas lumalala ang mga aksidente na involved ang mga walang displinang sasakyan at walang disiplinang drivers. Hindi biro ang masamang epekto ng pagbastos sa mga road sign tulad ng pedestrian lanes.
Malaking kapahamakan para sa mga pedestrian ang harap-harapang paglapastangan sa mga batas ng lansangan at ang tila kawalang kakayahan ng ating mga awtoridad na pigilan ang mga kalapastanganang ito.
Kulang ang pagpipintura lang ng mga pedestrian lane. Hindi puwedeng pintura lang ang solusyon.
The post HINDI PUWEDENG PINTURA LANG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment