Thursday, June 19, 2014

PLM grad, top 1 sa Architect Licensure Exam

MULA sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang nanguna sa Architect Licensure Examination na ibinigay sa Maynila noong Hunyo 13 at 15 ng Professional Regulation Commission (PRC).


Sa anunsyo ng PRC, mula sa 1,803 na kumuha ng pagsusulit ay nasa 1,100 lamang ang nakapasa kung saan naging top 1 si Rodrick Paul Velasco Mendoza, Jr. na nakakuha ng rating na 85.60%.


Sinundan naman ni Aaron James Morales Carlos ng Technological University of the Philippines-Manila at Jay Mark Morales Estavillo ng UP-Diliman, na nag-tie sa number two spot matapos makakuha ng rating na 85.40 %.


Ang registration para sa issuance ng Professional Indentification card (ID) at certificate of Registration ay sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 2, 2014, ayon sa PRC.


Habang ang petsa at venue ng mass oathtaking ng mga nakapasa ay iaanunsyo pa lamang.


The post PLM grad, top 1 sa Architect Licensure Exam appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PLM grad, top 1 sa Architect Licensure Exam


No comments:

Post a Comment