Thursday, June 19, 2014

OFWs sa Iraq ililikas anomang oras — DFA

NAKAHANDA na anomang oras ang pamahalaan para sa sapilitan paglilikas ng mga Pinoy sa Iraq na apektado ng kaguluhan.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mapanganib na ang buhay ng mga kababayang Pilipino sa nabanggit na bansa dahil sa pagtaas ng security situation.


Maliban dito, malapit na rin ang mga rebeldeng grupo sa Baghdad na sentro ng nasabing bansa.


Iginiit ng DFA na sa ilalim ng alert level 4, ipatutupad na ang mandatory evacuation sa lahat ng mga Pinoy at overseas Filipino workers (OFWs) sa Iraq.


Gayunman, hindi naman aperktado ang mga Pinoy sa Kurdistan Region at nananatili ang alert level 1 o precautionary phase dahil nananatiling kalmado at matatag ang sitwasyon.


Sinisiguro na rin ng gobyerno ng Pilipinas na wala ng mga Pilipino ang pupunta sa Iraq dahil na rin sa total deployment ban para sa mga OFWs.


The post OFWs sa Iraq ililikas anomang oras — DFA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



OFWs sa Iraq ililikas anomang oras — DFA


No comments:

Post a Comment