Friday, June 6, 2014

‘Persona-non-grata’ idineklara vs DILG Chief ng Marcos, Ilocos Norte

MARCOS, ILOCOS NORTE – Nagdeklara kaninang umaga ang pamahalaan ng Marcos ng “person-non-grata” kay local Department of Interior and Local Government (DILG) chief Plaridel Gamiao dahil sa pagsasalita ng hindi maganda sa Sangguniang Bayan nito.


Ang papel na persona-non-grata ay pinirmahan ng Sangguniang Bayan ng Marcos, local department heads, schools heads at mga empleyado ng nasabing bayan sa pamumuno ni Vice Mayor James Felipe.


Sinabi ni Felipe na nagbitaw ng salita si Gamiao na hindi umano nagagampanan ng lokal na pamahalaan ang kanilang trabaho kung kaya’t wala silang nagagawa sa kanilang trabaho.


Inakusahan din umano ni Gamiao ang lahat ng department at school heads na nagiging pabaya na sila sa trabaho.


Dahil dito, naglabas ang mga opisyal ng pamahalaan ng person-non-grata laban sa local DILG chief at babawiin lamang ito kung siya ay hihingi ng dispensa.


Hinihintay naman ang panig ni Gamiao hinggil sa nasabing akusasyon.


The post ‘Persona-non-grata’ idineklara vs DILG Chief ng Marcos, Ilocos Norte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Persona-non-grata’ idineklara vs DILG Chief ng Marcos, Ilocos Norte


No comments:

Post a Comment