Thursday, June 5, 2014

Pambato ng Pinas namayagpag sa International Footwear Design Competition

LABIS na ikinagalak ng pamahalaang lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Del De Guzman ang pagkakawagi sa ikalawang puwesto ng dalawa sa limang pambato ng Pilipinas sa 6th International Footwear Competition na ginanap noong Mayo 28-30 sa Guangzhou, China.


Ang dalawang pambato, ang “The Rebel” na likha ni Gerome Sta. Maria ay napiling first runner-up sa Lady’s Trendy Category, samantalang ang “Stitches” ni Cari Dawn Campbell ay napiling first runner-up din sa Men’s Footwear Category ng pandaigdigang patimpalak. Naiuwi ng Indonesia ang unang pwesto sa Lady’s Trendy Category, samantalang Thailand naman ang nag-uwi ng unang pwesto sa Men’s Footwear Category.


Naglaban-laban sa patimpalak ang may 100 pambato mula sa mga bansang lumahok na kinabibilangan ng China, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Pilipinas, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam.


Bukod sa karangalan, nag-uwi rin ang dalawang nagwaging pares ng sapatos ng premyong tig-dalawang libong Yuan (¥2,000) at tropeyo, samantalang sertipiko naman ang iginawad para sa designer at partner manufacturer na lumikha ng prototype ng mga pambatong sapatos.


Samantala, tumanggap naman ng Certificate of Merit ang Fashion Purveyor Enterprise na isang pagawaan ng sapatos at bag sa Marikina bilang 1st Runner-up (Individual) ng Lady’s Trendy Category.


“Lubos ang ating kagalakan sa panalong ito dahil hindi lamang nagpapatunay ito ng husay ng ating mga local talent sa sining ng paggawa ng sapatos, kung hindi nagpapatunay din ito na kayang-kaya ng hindi lamang ng Marikina subalit ng buong bansa na makipagsabayan sa nagbabagong panahon at panlasa pagdating sa moda ng sapatos,” wika ni Mayor Del De Guzman.


Matatandaang noong Pebrero 2014, pinangunahan ng lokal na pamahalaan at Philippine Footwear Federation, Inc. (PFFI) ang Shoe Design Competition sa Marikina kung saan kinilala ang limang finalist nito kabilang ang “The Rebel” at “Stitches”. Ang patimpalak na ito ang tumukoy sa mga naging pambato ng bansa sa katatapos lang na international footwear competition.


Ang mga local shoe competition na ginaganap sa Marikina ay magkatuwang na itinataguyod ng lokal na pamahalaan at PFFI. Sa isang banda, ang PFFI ay nagsimulang lumahok sa international shoe design competitions sapul taong 2009 sa kabila ng limitadong badyet na nakalaan para rito.


The post Pambato ng Pinas namayagpag sa International Footwear Design Competition appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pambato ng Pinas namayagpag sa International Footwear Design Competition


No comments:

Post a Comment