ANG sigaw ng anak nina Bruce Willis at Demi Moore sa New York City, “palayain ang mga utong.”
Hindi lang sigaw ang ginawa ni Scout Willis; nag-topless pa siya sa lansangan ng Lower East Side na puwedeng ihalintulad sa Quiapo sa Maynila.
Ito na marahil ang pinakasikat na pagsasadula ng women’s liberation.
“Bakit ang mga lalaki ay puwedeng maglakad nang walang damit pang-itaas sa publiko at ang mga babae ay hindi?” ‘Yan ang mensahe ni Scout Willis.
Ang paliwanag ni Scout sa kanyang Twitter:
“This is about helping women feel empowered to make personal choices about their bodies not dictated by what society says is decent.”
Hindi tulad ng Instagram, pinayagan ng Twitter na ma-publish ang hubad niyang katawan na kung saan nagniningning ang kanyang dalawang utong.
Marami na ring taon nang gawin naman ng buntis na si Demi Moore ang maghubad sa harap ng camera para sa isang sikat na men’s magazine.
Syempre, hindi ito kaya ng mga lalaki dahil babae lamang ang puwedeng magbuntis at ibandila ang hubad niyang katawan nang harapan.
Kaya ba ng mga kaanib ng women’s lib ang ginawa ni Scout?
Kung naaala pa ninyo, si Bruce naman ay ang gumanap na bida sa pelikulang “The Last Boy Scout” noong 1991.
Ano naman kaya ang magiging title ng pelikula ng anak ni Bruce at ni Demi?
Baka “The First Girl Scout” na nag-topless sa Manhattan, NYC.
Panahon na talaga na ipaglaban ng mga babae ang kanilang karapatan.
Kung kaya ng mga lalaki na maglakad ng topless sa mga sidewalk at sa mga beach, dapat ay kaya rin ng mga babae ito.
Sino kaya ang mangunguna sa women’s lib movement na ito sa Pilipinas?
Ikukulong kaya ng mga pulis ang mga babaeng magpapakita ng kanilang mga utong sa publiko?
The post PALAYAIN ANG MGA UTONG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment