SA Hunyo 12, Huwebes, ating ipagdiriwang ang Independence Day at masasaksihan na naman ng buong mundo ang pagkakaisa ng mga Filipino na sukang-suka na sa nangyayaring korapsyon ngayon.
Inaasahang daragsa sa Andres Bonifacio Shrine sa Lawton, Maynila ang libo-libong tao mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan na galit na galit na sa nangyayaring pambababoy ng ating gobyerno sa ating bansa.
Lahat na yata ng sektor ng ating lipunan ay nanawagan ng pagkakaisa at pagbabago maliban lang sa ilang sektor na kontrolado ng ating pamahalaan.
Marami na tayong naririnig na batikos sa ating gobyerno, marami na rin ang nanawagan ng pagbabago at pagkakaisa at marami na rin ang nanawagang bumaba na sa puwesto ang Pangulong Noynoy dahil wala itong nagagawa sa sobrang korapsyon ng kanyang mga tauhan. Pero ang tanong, hanggang panawagan na lang ba ang kayang gawin ng mga Filipino?
Marami ang dapat na ipaliwanag ang gobyerno sa mamamayan, hindi lang ukol sa pork barrel, Malampaya at kung ano-ano pang mga nakawan, kundi maging ang foreign donations. Saan nga ba napunta ang pera at kung ano-ano pang mga donasyon galing sa ibang bansa?
Bilyon ang pera na tinanggap ng gobyerno mula sa mga donasyong galing sa ibang bansa pero wala man lang yata tayong narinig o nabasa na ginamit ang perang iyon sa mga biktima ng lindol at bagyong Yolanda.
Noong panahon ni PGMA, konting pagkakamali lang ng ale ay batikos doon at batikos dito, bakit ngayon na lantaran nang niyuyurakan ang ating karapatan ay nananatili pa rin ang katahimikan?
Tanong tuloy ng marami: Anong kayang gawin ng gobyernong ito kapag gumawa ng marahas na hakbang ang mga tao? Ikukulong ang lahat ng nag-aklas o pasasagasaan ba, babarilin?
Sabi naman ng iba, sa klase raw ng gobyerno ngayon ay hindi raw malayong mangyari na gawin ito sa mga taong sagabal sa kanilang daraanan dahil oo nga’t saradong Katoliko ang Pangulo pero daig pa raw nito ang isang taong walang puso at kaluluwa.
Masakit po itong pakinggan lalo na at kapwa natin Filipino ang Pangulo, opsssssssss teka lang Pilipino nga ba ang Pangulo natin? ‘Yan po ang karamihan nating naririnig tungkol kay BSA3.
Sana ay maging mapayapa ang pagtitipon-tipong ito ng ating mga kababayan at sana rin ay hindi mahaluan ng pulitika dahil ‘pag nagkataon ay mababale wala ang ipinaglalaban ng karamihan at sana sa mga makikiisa ay huwag sana itong maging ningas kugon lang.
Ayon sa ating mga nakausap na lider ng ilang sektor, kahit na ano ang mangyari ay darating at makikiisa sila sa panawagan ng Pagkakaisa at Pagbabago sa Bonifacio Shrine ngayong darating na Hunyo 12, Independence Day.
Wala po itong kulay, kahit na anong kulay ang gusto mo basta ang layunin ay kapareho ng kanilang ipinaglalaban ay welcome raw po kayo. Sama na sa ipinaglalaban ng marami at makiisa sa layuning ito.
Join the fight against corruption…
The post PAGKAKAISA, PAGBABAGO NANG WALANG PULITIKA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment