NAKALULUNGKOT, parekoy, ang unti-unting paglisan ng mga mahuhusay nating government worker.
Nililinaw ko, parekoy, “worker,” ibig-sabihin nagtatrabaho talaga at hindi politiko.
Ang tinutukoy ko, parekoy, itong ating mga meteorologist, weather observer at forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na napaulat na nagtungo sa middle east para sa mas mataas na sweldo.
Bukod sa PAGASA, mayroon din daw mga scientist mula sa Department of Science and Technologist (DOST) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang nagbabalak mag-resign.
Parekoy, kung ako man ang nasa lugar nila, gagawin ko rin iyon. Aba, ang hirap kayang mag-aral tapos kukuriputan ka lang.
Para bang minemenos ang ating kakayahan habang ang mga King Inang trapo na nasa Napolist, eh, nagkakamal ng kwarta.
Parekoy, hindi ba pumasok sa kukote ng ating mga opisyal na itong mga siyentista natin ay endangered species na?
Kaunti na lamang sila kaya nga nagkukumahog ang marami na alukin ng mas malaking sweldo.
Hindi sa kinakampihan ko itong mga dalubhasa natin, pero tama nga namang habang malakas pa sila ay makatikim naman ng magandang sweldo.
Hindi kagaya rito, parekoy, pera mo na, pahihirapan ka pa at kailangan pa ng protesta saka ibigay.
Hoy, mga belabed opisyal… umaksyon naman kayo!!!!
Mauuwi lang lahat sa wala ang inyong proyekto kung wala naman kayong tao….hak hak hak!
AT PASUGALAN NI PINONG SA QC
NAKARIRINDI naman ang hatid-balita sa akin mula sa Quezon City.
Ito ay ang pamamayagpag ng pasugalan ni Pinong sa buong Quezon City at ang kanyang base ay nasa Brgy. Batasan at Fairview.
At ang matindi, malakas daw ang loob nitong si Pinong dahil kahit ang hepe ng QC Police na si Gen. Albano ay hindi siya kayang sitahin o kantiin man lang.
Ito raw koneksyon ni Pinong ang siya rin daw “intelehensiya” ni DILG Sec. Mar Roxas.
Heavygat pala!
Pinagyayabang daw nitong si Pinong na ang babangga sa kanya ay tiyak na titiklop dahil isa siyang “sementado.”
Kung totoo ang ulat na “nagbibigay” siya kay Roxas, eh, talagang hindi nga kaya siyang tibagin ng QC Police.
Kahit si Gen. Alan Purisima, walang magagawa, ngingiti lang ‘yun. Hak hak hak.
Ang tanong, parekoy, magkano kaya ang inihahatag ni Pinong sa pulisya at kay Roxas?
Parang nakikita ko na….mas malakas pa ang tawa sa akin ni Pinong habang nagbibilang ng pera mula sa sugal…habang ang ating kababayan diyan sa QC kayod kalabaw para may pansugal!
The post EXPERTS IRITADO NA SA PINAS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment