BABUYAN na at garapalan pa ang ginagawa ng rehimen ni Benigno Aquino III sa ating Hudikatura. Walang sablay, deny-to-death ang gagawin nila sa bagong isyu ng panghuhudas sa taumbayan sa usapin ng hustisya.
Itinuturo natin dito ang bagong kababuyan at pagkahudas ng, kung totoo, isang magreretiro na mahistrado ng Korte Suprema.
Ang kanyang ginawa ay hindi kayang sukatin kahit ng mga demonyo ni Satanas sa impiyerno. Muli, kung ito ay totoo.
Nakatanggap tayo ng maraming text messages tungkol sa pagbaliktad ng mahistrado sa naunang niyang desisyon na hinihintay na lang lumabas ngayong buwan.
Ilang oras lang na dumating ang text messages ng “pagtataksil sa bayan” ng mahistrado ay lumutang na rin ang balita sa Facebook at Twitter.
Ang isyu ay tungkol sa iligal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na nilikha ni Budget secretary Butch Abad.
Ang DAP ang pinagmulan ng multi-bilyong piso na pinagkunan ng pondo ng kanyang among si Aquino para pangsuhol sa mga umusig at nagpatalsik kay dating SCCJ, Chief Justice Renato Corona.
Sa unang rounds pa lang ng pagdinig sa Korte Suprema, mayorya ng mga Mahistrado ay nagsabi na bawal, labag sa Konstitusyon ang pagbuo ng DAP.
Sa huling impormasyon na ipinaabot din sa atin, ang ilalabas na boto ay 9-6 o 8-7 ngayong buwan ng Hunyo.
Habang isinusulat natin ito ay kausap natin ang ilang tauhan ng SC, galit nagalit na kinumpirma ang madyik na pagbabago ng boto.
Nabago ang boto. 7-7 na?!? Dahil dyan, kailangan bumoto si Sereno.
Obviously, ang boto niya ay pabor kay Aquino!
Kaya ang tanong natin kay SCCJ Lourdes Sereno, “kaya ba pinigil ninyo ang orihinal na petsa ng paglabas ng inyong SC decision tungkol sa hudas na DAP na iyan, Madame CJ Sereno?”
At sa inyong mga mahistrado na nagbenta ng inyong boto, okay, tiyak na ang kinabukasan ng pamilya ninyo at kayo mismo, masasarapan ba kayong kumain mula sa mala-impiyernong pondo na ibinayad sa inyo?
Ang inyong panghuhudas ay kataksilan sa bayan at mamamayan. Walang duda, isusuka kayo ng kasaysayan, kasama ng mga demonyong nasa likod ng inyong pagbabago ng boto. Nakakahiya kayo – sa MalacaƱang at Supreme Court!
At sinoman ang nag-utos sa bilihan ng boto sa DAP, tiyak MalacaƱang galing iyan. Mga HUDAS!
The post P500M PARA SA HUDAS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment