NOONG isang araw, isang kolumnista sa isang sikat na pahayagan sa bansa ang nagsulat ng kolum tungkol sa kung bakit daw korap ang mga Pinoy.
Masakit pakinggan.
Noon parang pwede pa tayong magreklamo na napakasakit ng akusasyon na ‘yan ng korapsyon.
Huwag tayo basta maniwala na korap ang Pinoy at huwag natin patulan ang paninirang ito at dapat patunayan natin na hindi tayo korap at hindi unique sa ating bansa ang tinatawag na sakit ng korapsyon.
May mga korap din sa ibang bansa, para naman kasing tayo lang ang nakikita rin natin at hindi ang iba pang mga korap na bansa.
Aktibo pa kasi ang media na mag-report ng mga balita ng korapsyon kaya parang mas highlighted ito.
Pero sa sunod-sunod na mga pagbubulgar ng mga isyu ng korapsyon sa pamahalaan na sangkot ang mga sikat at pinagpipitagan na mga pangalan, baka nga kailangan na nating bigyang-pansin, masakit man, ang tanong na – bakit tayo korap?
Malalim ang paliwanag ng nasabing kolumnista na matagal na rin naman bilang manunulat at nadaanan na ang lahat ng Pangulo ng bansa.
Sabi niya, nasa kasaysayan daw kasi ng ating kultura at sa kasaysayan ng mga pananakop.
Kumbaga, nasa sistema na natin. Ay naku.
May mga kaugalian na raw kasi tayong mga Pinoy na ang daling magamit para sa korapsyon tulad ng malalim na pakikisama at malawak na pagtanaw ng utang na loob.
Kaya kahit alam natin na mali ang ginagawa ng isang tao, minsan ay nagbubulag-bulagan pa tayo kasi nakikisama tayo o kaya naman ay may utang na loob tayo.
Kapag ang mga kaugalian daw na ito ay nahaluan pa ng kasakiman at naitulak pa ng maling rason na mahirap kasi ang buhay kaya napipilitan gumawa ng mali, problema talaga ng korapsyon.
Wala na ba tayong pag-asa?
Meron pa, kung hindi man sa kasalukuyang panahon ay sa mga susunod na henerasyon.
Kailangan lang maintindihan at matanggap ng kabataan ang problema ng korapsyon at maipaunawa sa kanila kung saan galing ang epidemyang ito.
Walang may gusto ng sakit na ito ng korapsyon, kailangan lang ang tunay na intensyon na magamot ito para sa isang bagong bukas para sa bayan.
The post KORAP KA BA? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment