NAKAUMANG na ang malakihang rally na ilulunsad ng “2 Million People’s March” sa Hunyo 12, 2014 laban sa mga sangkot sa pork barrel scam.
Ayon sa isa sa prime movers ng “Abolish Pork Movement” at chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Dante Jimenez, magsisimula ang martsa mula Liwasang Bonifacio sa Maynila at pipiliting makalapit sa MalacaƱang.
Maliban sa Maynila, magkakaroon din ng simultaneous na aktibidad sa iba pang bahagi ng Pilipinas.
Layunin ng grupo na maiparating ang galit ng mamamayan sa pagtatakip ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang mga gabinete gaya nina Budget Sec. Butch Abad at Agriculture Sec. Proceso Alcala.
Nanawagan din ito nang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot sa anomalya dahil dapat silang managot.
Pina-iingat ng naturang aktibidad ang mga tao sa MalacaƱang at sa gobyerno dahil gising na umano ang kamalayan ng mamamayan laban sa korapsyon at hindi papayag na hindi maipakulong ang mga may sala.
Aniya, ang kanilang hakbang ay pagpapakita rin ng suporta sa lahat ng mga testigo sa tinaguriang pinakamalalang kurapsyon na naganap sa kasaysayan ng bansa.
Ang mga lalahok ay hinihikayat na magdala ng mga sariling placards at magbitbit na rin ng mga kasama kagaya ng mga kaibigan, kakilala at kamag-anak.
Magugunitang nabuo ang Million People March noong nakaraang taon matapos na mabulgar ang P10 billion pork barrel scam.
Isasabay naman ang panibagong kilos protesta sa anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ng bansa.
The post Malakihang rally nakaumang sa June 12 appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment