Tuesday, June 3, 2014

Malakanyang iwas sa pagkakadawit ni Cong. Abby Binay sa PDAF scam

IWAS-PUSOY ang Malakanyang na may kinalaman sa pagkakasangkot ng pamilya Binay sa pork barrel scam.


Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma Jr., walang alam ang Malakanyang sa isyung may kinalaman nang pagsasangkot kay Congresswoman Abby Binay at Vice-President Jejomar Binay kaya’t unfair na ituro ang palasyo sa isyu.


Sinabi ni Coloma, mahirap magsalita sa isyu dahil baka lumaki lamang ito at wala namang ginagawa ang gobyerno laban sa kampo ng pangalawang Pangulo.


Pumalag si Abby Binay matapos lumutang ang pangalan sa pork scam dahil sa paggamit ng pondo sa dalawang proyekto para sa mga taga-Makati na mariing itinanggi nito.


Binatikos maging si DILG Secretary Mar Roxas at itinuro rin ng kongresista na posibleng may kinalaman sa pagsasangkot sa kanya sa pork scam dahil magiging mahigpit na kalaban ito ni Vice President Binay sa pagkapangulo sa 2016.


The post Malakanyang iwas sa pagkakadawit ni Cong. Abby Binay sa PDAF scam appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang iwas sa pagkakadawit ni Cong. Abby Binay sa PDAF scam


No comments:

Post a Comment