Thursday, June 12, 2014

Malakanyang aprub sa live media coverage sa PDAF scam

PAYAG ang MalacaƱang sa panukalang live media coverage sa pagdinig ng Sandiganbayan sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel scam.


Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na hindi hahadlang ang Palasyo kung makatutulong ito upang mabatid ng publiko ang kaganapan at pagtukoy sa katotohanan.


Kung ano ang magiging desisyon ng korte ay igagalang ito ng ehekutibo dahil mayroon namang sariling mandato ang mga ito sa mga prosesong legal tulad na lamang ng paglilitis sa mga inaakusahan.


Sa ngayon ay inaabangan na ng publiko ang ilalabas na warrant of arrest laban sa mga kinasuhan ng plunder ng Ombudsman gaya nila Senador Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.


The post Malakanyang aprub sa live media coverage sa PDAF scam appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang aprub sa live media coverage sa PDAF scam


No comments:

Post a Comment