HIGIT na maliit ang magiging gastusin ng pambansang pulisya (PNP) sa pagbibigay seguridad at pagbibiyahe sa tatlong senador na kinasuhan sa Sandiganbayan sa tuwing dadalhin ito sa korte kapag nakakulong na.
Ito ang inihayag ni Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP kaugnay sa napipintong pag-aresto kina Senador Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Ramon Revilla kasama ang mahigit 50 indibiduwal hinggil sa pork barrel fund scam.
Sinabi ni Sindac na wala naman silang magiging problema sa 3 senador dahil sabay-sabay naman nila itong ibibiyahe sa sandaling kailanganin ng mga ito na humarap sa paglilitis.
Makatitipid din aniya ang pulisya rito kaysa sa P120,000 sa tuwing ilalabas ng Fort Santo Domingo sa Santa Rosa Laguna si pork barrel fund scam queen Janet Lim-Napoles.
The post Gastos ng PNP sa seguridad ng 3 senador mas maliit appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment