MAARING ipatawag ng Department of Justice (DoJ) ang starlet na si Krista Miller hinggil sa naging pagbisita nito sa lider ng Sigue Sigue Sputnik Gang na si Ricardo Camata noong ito ay naka-confine sa Metropolitan Medical Center sa Tondo.
Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, in-charge sa Bureau of Corrections, nais n’yang malaman kung ano ang pakay ni Miller sa pagpunta sa kwarto ni Camata.
Sinabi pa ni Baraan na tanging ang mga kapamilya at kamag-anak lamang ni Camata ang maaaring bumisita sa kanya sa ospital.
Base sa hawak nilang CCTV footage ng ospital, nakita si Miller na pumasok sa kwarto ni Camata nang mahigit sa isang oras at kinabukasan, dalawang babae naman aniya ang pumasok ulit sa kwarto ni Camata na inabot ng madaling-araw.
Pinangambahan ni Baraan ang posibilidad na may bitbit itong droga o baril dahil kita sa video na hindi man lang ininspekyon ng mga guwardiya ang dalang bag ng mga pumasok sa kwarto ni Camata.
Bukod kay Miller, balak ding ipatawag ng DoJ ang dalawa pang babaeng pumasok sa kwarto ni Camata.
The post Krista Miller, 2 pang babae ipatatawag ng DoJ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment