Friday, June 6, 2014

Breath analyzer para sa lasing na driver, inihahanda na

IPATUTUPAD na ang Anti-Drunk and Drugged Driving Law sa oras na mabili na ang mga gamit na kailangan sa implementasyon nito.”


Sa panayam kay Jason Salvador, tagapagsalita ng Land Transportation Office (LTO), inisa-isa nito ang mga gagamiting aparato para sa implementasyon ng batas kabilang na ang mga breath analyzer o breathalyzer.


Nagkakahalaga aniya ng hanggang P100,000 ang bawat piraso ng breath analyzer at balak ng LTO na bumili ng 150 piraso nito para sa mga grupong ipapakalat sa mga lansangan.


Sa kanyang pagsalalarawan, nakalagay aniya sa isang attache case ang portable breathalyzer na may keyboard na gagamitin upang mailagay ang mga detalye tungkol sa sinuring driver.


“‘Yung detalye po ng apprehending officer, kailan po ito nangyari, anong oras, anong araw at higit sa lahat, on-the-spot, kailangan pong makapag-print out po ng resulta ng pagsusuri nang sa gano’n, pareho pong may ebidensya ‘yun pong sinuri at ‘yun pong nagsusuri,” pahayag ni Salvador.


Gagamit din aniya ng drug test kit sa implementasyon ng batas subalit mas mura aniya ito kumpara sa breathalyzer.


Tiniyak naman niyang dadaan sa normal na bidding process ang pagbili ng mga analyzer.


Kukunin aniya ang ipambibili ng mga analyzer mula sa pondo ng road user’s tax.


Samantala, pinawi rin niya ang pangamba ng harassment sa panig ng mga susuriing motorista.


Maglalagay anya ng dashboard camera sa mga mobile patrol sa oras na ipatupad na ang Anti-Drunk and Drugged Driving Law.


“Napaka-transparent po ng ating apprehension… upang sa ganon makita natin ang nangyayari at bilang protection hindi lamang po para sa motorista at [vice-versa].”


Nauna na ring ipinaliwanag ng LTO ang proseso ng pagsusuri sa mga mahuhuling driver at parusang ipapataw sa mga lalabag sa batas.


The post Breath analyzer para sa lasing na driver, inihahanda na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Breath analyzer para sa lasing na driver, inihahanda na


No comments:

Post a Comment