Thursday, June 19, 2014

Kelot na halos maputol ang leeg sa taga, patay

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang 30-anyos na lalaki matapos tagain na halos ikaputol ng leeg nito sa lungsod ng Dipolog, Zamboanga del Norte.


Kinilala ang biktimang si Sarlym Mesiona, ng Sta. Isabel ng nabanggit na lungsod habang ang suspek ay kinilalang si Laurez Mente, 22, ng Sta. Filomena, Dipolog City.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Dipolog PNP, nasa kalagitnaan ng pagtatalo ang biktima at suspek habang papauwi ng kanilang tahanan galing sa isang lamay nang bigla na lamang tinaga ng suspek ang biktima na halos ikaputol ng leeg nito.


Sumuko naman ang suspek matapos ang krimen.


Halos hindi naman makapaniwala ang pamilya ng biktima sa sinapit nito.


The post Kelot na halos maputol ang leeg sa taga, patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot na halos maputol ang leeg sa taga, patay


No comments:

Post a Comment