INIREKLAMO sa pulisya ng 80-anyos na lola ang 20-anyos na apo nitong umano’y gumahasa sa kanya sa Bailan, Pontevedra, Capiz.
Ani S/Insp. William Limjuco, hepe ng Pontevedra police station, nagpasaklolo ang biktima na si Lola Anna makaraang pasukin sa kanilang bahay at pwersahang gahasain ng suspek na si Alvin Dacles, apo ng kanyang kapatid.
Ayon kay Limjuco, nagtamo ng mga pasa sa katawan ang biktima matapos umanong sapilitang yapusin at daganan ng suspek.
Lumalabas sa resulta ng medical examination na isinagawa ni Dr. Rossini Delfin-Avelino ng Rural Health Unit na positibong ginahasa ang matanda dahil sa nakitang mga laceration.
Kasalukuyan nang nakapiit ang pulisya sa Pontevedra si Dacles.
The post 80-anyos na lola, ginahasa ng 20-anyos na apo appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment