SA isang news report, inamin ni Efren “Bata” Reyes na baka raw hindi na n’ya kayang ulitin ang mga kagilas-gilas na performances n’ya noong mga nakalipas na panahon bilang international billiards player and champion.
Matanda na raw siya at may mga binago na sa mga patakaran ng paglalaro ng billiards sa mga international competitions na hindi na raw kaya ng kanyang katawan.
Isa si Efren Reyes sa mga sports heroes na nagdala ng karangalan sa ating bansa at kahit lumalaban pa siya sa mga international competitions ngayon, tulad ng sa Qatar sa kasalukuyan, ay 60 years old na si “Bata” at hindi na nga s’ya bata.
Katulad ng boxing, isa ang billiards sa mga sports kung saan may natural na galing ang pinoy. Kaya sa dalawang larangan ito nakilala rin ang pinoy sa mundo ng sports. Matanda na si Efren Reyes sana ay makakita na rin tayo ng mga susunod sa kanyang yapak. Kailangan kumilos ang mga government agencies na may kinalaman sa sports development ng bansa na mas ma-promote ang larong billiards.
Kamakailan ay napabalita na hindi na raw maglalaro para sa Filipinas ang batang chess grandmaster na si Wesley So.
Kawalan sa bansa si Wesley, katulad ng billiards at boxing, nagkaroon din ang bansa ng international fame dahil sa chess. Remember Eugene Torre, the first Filipino grandmaster.
Napakalaki ng potential natin sa sports, akalain ba ng mundo na kahit walang snow sa bansa ay makakapag-produce tayo ng international ice skaters, isa na nga ang naging tanyag sa Olympics na si Michael Martinez.
Pero hindi pwedeng maghintay na lang tayo na magsisulputan ang mga bayani ng sports, kailangan sila ihubog, hulmahin sa pamamagitan ng mga tamang trainings at financial support mula sa gobyerno.
Ang soccer ay naging sikat dahil sa mga Fil-Am players na piniling maglaro dito sa bansa, tulad ng magkapatid na Phil at James Younghusband at dapat magpasalamat tayo sa impluwensya nila para pasikatin ang soccer dito sa atin pero hindi dapat hanggang doon lang.
Kailangan pumasok ang aktibo at buong-pusong suporta ng gobyerno para sa ikatatagumpay pa ng Philippine Sports.
The post HINDI NA BATA SI BATA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment