IPINABUBUSISI na ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) na suriin ang mga ulat na may ilang high profile inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) na tumatanggap ng atensyong medikal mula sa mga pribadong ospital sa labas ng bilangguan.
Ginawa ni De Lima ang pahayag kasunod ng mga ulat na lumabas ng NBP compound sina Ricardo Camata, alyas “Chacha” at Amin Buratong gayundin si Herbert Colangco sa iisang buwan.
Sinasabing dinala si Buratong sa Medical City sa Pasig noong Mayo 13 dulot ng sakit sa puso at atay habang sa Asian Hospital sa Alabang dinala si Colangco noong Mayo 27.
Samantalang isinugod naman sa Metropolitan Hospital si Camata nitong weekend dahil sa sakit sa baga.
Kapwa miyembro sina Camata at Buratong ng Sigue-Sigue Sputnik Gang na naaresto ng mga awtoridad dahil sa pagmamay-ari ng shabu tiangge sa Pasig City habang sangkot naman sa insidente ng pagnanakaw sa Pampanga noong 2003, ParaƱaque at Quezon City naman noong 2005.
The post High profile inmates na nakalalabas ng kulungan, pinabubusisi appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment