Monday, June 2, 2014

Agawan sa liderto ng PMA, umiinit na

UMIINIT na ang girian sa pagitan nila Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Minerva Calimag at dating pangulo nitong si Dr. Leo Olarte.


Kaugnay ito ng paggigiit ng mga tagasuporta ni Olarte na siya ang dapat maupo bilang pangulo ng PMA.


Ayon sa report, nilabag ni Calimag ang election code ng PMA nang mabigo itong tumugon sa reklamong kinahaharap nito, dahilan upang mapawalang bisa ang kandidatura nito sa PMA.


Samantala, binalewala lamang ng kasalukuyang liderato ng PMA ang ginagawang pagbabalik sa puwesto ng dating pangulo nito.


Batay sa ipinalabas na memorandum ni Dr. Minerva Calimag, sinabi nito na huwag pansinin ang hakbang ni Dr. Leo Olarte na ipawalang bisa ang kanilang proklamasyon kabilang si PMA Vice President Dr. Bayani Tecson.


Sinabi ni Dra. Calimag, mismong si Olarte ang nag-turn over sa kanya nang manumpa ito sampu ng kanyang mga kapwa opisyal kaya’t paano masasabing walang bisa ang kanyang naging kandidatura.


Hindi rin aniya maaaring bumalik si Olarte sa pagkapangulo ng PMA dahil sa kinahaharap nitong tax evation case na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR).


The post Agawan sa liderto ng PMA, umiinit na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Agawan sa liderto ng PMA, umiinit na


No comments:

Post a Comment