Wednesday, June 4, 2014

GAANO KATALAMAK ANG ILIGAL NA SUGAL?

sa kantot sulok NAGKAPROBLEMA minsan ang gobyerno dahil sa talamak na iligal na sugal.


May magkaibigan na naghiwalay ng landas dahil dito at nagkaroon ng mga pagbabago sa pulitika.


Noong panahon ni Gloria Arroyo, naging mas malala ang nasabing iligal na sugal.


Bukod sa napakaraming iskandalo, hindi naalis ang payola scandal. Ang asawa niya na si Mike at anak na si Mikey ay namunini sa payola, batay sa salaysay ng mga whistleblower gaya ni Sandra Cam.


Hanggang ngayon na sinasabing “tuwid” ang daan ng administrasyong Aquino, talamak pa rin ang iligal na sugal, lalo na sa mga probinsya, maging sa Metro Manila.


Bakit nga ba talamak ito?


1.) Talamak ang iligal na sugal dahil ang mga pulis na dapat humuli rito ay “nakapatong” o nakikinabang sa payola. May mga heneral at colonel na nagagalit kapag may nakikialam sa pinoprotektahang iligal na sugal. Nagkakapatayan pa ang mga hinayupak.


2.) Patong maging ang mga opisyal ng pamahalaan. Mula kay kapitan, konsehal, congressman, mayor hanggang kay gobernador.


3.) Talamak ang iligal na sugal kasi’y maging ang gobyerno ay hinayaang maprotektahan ito.


Naglunsad ang PCSO ng mga kalaban na mga sugal ng mga iligalista ngunit lalong lumala ang iligal na sugal. Naging cover pa nga ng mga gambling lord ang mga pasugal ng PCSO.


4.) Maging ang simbahan ay nakikinabang sa iligal na sugal. May mga paring umaamin na nakikinabang ang kanilang parokya sa payola dahil kailangan nito ng pondo para sa mga nangangailangan.


5.) Ang mga gambling lord noon, sila pa rin ang mga lord ngayon at nadagdagan pa sila ng mga congressman, mayor at governor.


The post GAANO KATALAMAK ANG ILIGAL NA SUGAL? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



GAANO KATALAMAK ANG ILIGAL NA SUGAL?


No comments:

Post a Comment