Thursday, June 26, 2014

Employment rate ng Marikina patataasin

LAYUNING mapataas ang kasalukuyang employment rate ng Marikina, ang pamahalaang lungsod sa inisyatiba ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) ay nasa unang hakbang sa pagbuo ng Guilds of Marikina Workers (GMW) o samahan ng mga manggawa ng lungsod.


Binubuo kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang GMW ay magbibigay ng magandang pagkakataon upang ang mga skilled workers ng lungsod na nangangailangan ng tugmang trabaho ayon sa kanilang kakayahan ay maempleyo.


Ito ay makakatulong sa unemployed, underemployed, nagtatrabaho sa iba’t ibang barangay sa lungsod, mga kawani at volunteers ng pamahalaang lungsod, at maging ang mga nagsipagtapos mula sa livelihood programs at mga kolehiyo sa Marikina.


Kapag nabuo at nagsimula na ang programa, ang listahan ng mga aplikanteng kasama sa GMW ay susuriin ng TESDA ayon sa kanilang kakayahan sa trabaho, magbibigay ng sertipikasyon o pagsasanay/muling pagsasanay ayon sa mas nararapat na kakayahan sa trabaho na susundan ng paghahanap ng trabaho sa tulong ng LRPESO. Kasama sa ibibigay na serbisyo ng LRPESO ang pagbibigay prayoridad sa trabaho lalo na para sa kailangang kawani ng lokal na pamahalaan at proyektong pang imprastraktura; paanyaya sa mga job fair ng LRPESO; at pagbibigay ng kailangang impormasyon hinggil sa mga job vacancy sa bansa at maging sa ibang bansa.


Dagdag pa, magkakaroon ng isang network database system at 24/7 customer service telephone operator, office space, billboards, flyers, at iba pang kaugnay na materyales na makakatulong mapabilis ang pagkakaroon ng trabaho ng skilled workers.


Isa sa mga magandang dulot nito ay ang kasiguruhan at kapanatagan ng loob dahil lehitimo ang potential employer at empleyado.


“Inaasahan natin na sa pamamagitan ng GMW, tayo ay magkakaroon ng mas produktibo at maunlad na lungsod,” wika ni Gil Munar, chief ng LRPESO.


Para kay Katrina Matias, residente ng Brgy Sto. NiƱo at mayroong tatlong anak, ang programa ay makakatulong sa kanya at sa iba pang residente na tulad niya ay mayroong kaalaman at kakayahan sa computer operations at troubleshooting.


“Dahil katuwang ko ang GMW sa paghahanap ng mas magandang oportunidad sa trabaho, magkakaroon pa ako ng oras para maging mas maging produktibo pa,” wika ni Matias, na isa sa mga volunteer sa ilalim ng Volunteer Management Office.


Sa kabilang banda, inaasahan ng mga employer na sa pamamagitan ng programa ay maiiwasan nilang mabiktima ng mga sindikatong nagpapanggap na empleyado o aplikante dahil ang lokal na pamahalaan na ang magproseso ng mga dokumento ng mga aplikante kasama na ang pagsasagawa ng background check.


“Tayo bilang employer ay nakararamdam ng seguridad dahil ang mga potensyal nating empleyado ay pinili ng pamahalaan mismo. Maiiwasan natin ang mabiktima ng mga mapagsamantala,” wika ni Ramon Genito, may-ari ng isang bar.


Sa ngayon, ang lungsod ng Marikina ay mayroong 87.4% employment rate (181,522 katao) at 12.6% unemployment rate (22,872 katao) mula sa kasalukuyan nitong populasyon na 424, 610.


The post Employment rate ng Marikina patataasin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Employment rate ng Marikina patataasin


No comments:

Post a Comment