Wednesday, June 4, 2014

Drilon kay De Lima: ituloy ang pagtutol kay Sec. Soliman

HINAMON ni Senate President Franklin Drilon si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ituloy ang pagtutol nito laban sa kumpirmasyon ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman sa gaganaping plenary hearing ng makapangyarihan Commission on Appointments (CA) sa darating na Hunyo 11, 2014.


Mariing itinanggi ni Drilon ang akusasyon ni Santiago na nagsasabwatan ang mga administration lawmakers para kumpirmahin si Soliman sa CA makaraan ang apat na taon mula nang itinalaga ni PNoy si Soliman na kalihim ng DSWD.


Ayon kay Drilon, maari namang dumalo si Santiago sa confirmation hearing ni Soliman sa susunod na linggo para pagbotohan ang kanyang pagtutol sa kumpirmasyon ng kalihim.


Binigyang-diin ni Drilon, chairman ng CA, na hindi natalakay sa plenaryo kahapon ang kumpirmasyon ni Soliman matapos na pumasa sa committee level dahil wala namang natanggap na committee report ang kanyang tanggapan.


Matatandaang personal na sumulat si Santiago kay Drilon upang iprotesta ang umano’y sabwatan ng mga mambabatas na kaalyado ng MalacaƱang para hindi niya magamit ang section 20 ng CA rules upang harangin ang kumpirmasyon ng kalihim nang ilipat ang petsa ng plenary hearing sa Hulyo 11.


Batay sa CA rules hindi magamit ng sinomang miyembro ng commission ang section 20 sa huling araw ng session bago ang sine die adjournment.


The post Drilon kay De Lima: ituloy ang pagtutol kay Sec. Soliman appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Drilon kay De Lima: ituloy ang pagtutol kay Sec. Soliman


No comments:

Post a Comment