NANAWAGAN ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Noynoy Aquino na harangin ang British boy band na One Direction sa dalawang gabing concert nito sa bansa sa 2015.
Ayon kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth, iginiit nitong taliwas sa ‘daang matuwid’ ang magiging impluwensya ng grupo matapos mapabalitaang gumagamit ng marijuana ang ilang miyembro nito.
Giit pa niya, dapat magsimula rin sa administrasyon ang pagpigil sa masasamang impluwensyang tutungo sa bansa.
Dagdag pa nito, posibleng mapalubha ng masamang impluwensya nito ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Bukod sa gobyerno at simbahan, unang-una ring dapat kilalanin ng mga magulang kung ano ang nararapat na aksyon sakaling may nakikitang posibleng masamang impluwensya sa kanilang mga anak.
Panawagan nito, kilalanin ang galing ng mga artista ngunit balansehin ang tingin sa mga ito lalo na sa puwedeng maidulot nito.
Nilinaw naman ni Garganta na hindi masamang maakit sa mga awitin na nakaka-relate ang mga tao lalo na kung nagbibigay ito ng inspirasyon.
Gayunman, malakas na instrumento pa rin ang musika para maka-impluwensya lalo na sa kabataan.
Una nang nanawagan ang anti-drugs advocate group na Laban ng Pamilyang Pilipino na i-ban sa bansa ang grupo.
The post Concert ng One Direction sa Pinas, pinapipigil ng CBCP appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment