Thursday, June 5, 2014

2 bagong helicopter ng Navy, darating sa bansa

NAKATAKDANG dumating sa bansa bago magtapos ang taon ang dalawang bagong helicopter ng Philippine Navy.


Ito’y bilang bahagi pa rin ng AFP Modernization Program at upang mapalakas ang maritime surveillance at aerial capabilities ng Navy.


Ayon kay Commander Gregory Fabic, Public Affairs Office Chief ng Navy, ang dalawang armadong Agusta Westland AW-109E ay gagamitin sa naval missions kabilang ang economic zone protection, surface surveillance at maritime security.


Sa kabuuan, mayroon ng limang Agusta Westland AW-109E helicopters ang Navy kabilang ang tatlong ginagamit para sa rescue mission tuwing may kalamidad.


The post 2 bagong helicopter ng Navy, darating sa bansa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 bagong helicopter ng Navy, darating sa bansa


No comments:

Post a Comment