Tuesday, June 10, 2014

ChaCha, Anti-Political Dynasty ibinasura para sa FOI

MATAPOS maisama ang Freedom of Information Bill (FOI) sa prayoridad ng Malakanyang ay tiniyak ni Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte, chairman ng House Committee on Public Information na mapapabilis ang pagpapasa dito.


Malaking bagay aniya ang pagkakasama ng FOI sa listahan ng priority measures ng administrasyong Aquino dahil mapapabilis ang pag-apruba sa panukala.


Posible aniyang magsilbi itong motibasyon sa mga kongresista para suportahan ang pagsusulong sa FOI.


Tiniyak din ni Almonte na patuloy na tinatrabaho ng kanyang komite ang FOI at patunay rito ang tuloy-tuloy na meetings ng technical working group.


Giit pa ni Almonte na kung mabagal man ang usad ng FOI sa Kamara ay dahil nagiging maingat sila sa paghimay sa mga probisyon at tinitiyak na naaayon ang proseso sa rules ng mababang kapulungan.


Naunang inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na nagsumite ang Malakanyang ng listahan ng priority bills sa Kongreso kung saan pasok ang FOI.


Kasama rin aniya sa prayoridad ng palasyo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bagama’t hindi pa naisusumite ng Malakanyang sa Kongreso ang draft bill.


Nasa listahan din ang panukala para sa Rationalization of Fiscal Incentives na kasalukuyan nang tinatalakay sa Kamara habang wala sa nasabing listahan ang Anti-Political Dynasty Bill at charter change (ChaCha).


Ngayong huling araw ng sesyon ay umaabot na sa 24 na national bills ang naaprubahan ng Kamara kabilang ang pag-amiyenda sa Marina Charter, pagpapalakas ng Anti-illegal Drugs Law, Extension ng PNP franchise, paglalagay ng nakakadiring larawan sa pakete ng sigarilyo, Lemon Law, Ladderized Education Program at Foreign Bankings Liberalization.


The post ChaCha, Anti-Political Dynasty ibinasura para sa FOI appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ChaCha, Anti-Political Dynasty ibinasura para sa FOI


No comments:

Post a Comment