Tuesday, June 10, 2014

5 Koreano sugatan sa aksidente sa Bora

NASUGATAN ang limang Korean national nang maaksidente sa sinasakyang tricycle sa Boracay.


Kinilala ang mga biktima na sina Kim Dong Hyun, 35; Yoon Jung Min, 34; Lee Chang Kun, 40; Ha Ji Hye, 24; at isang limang buwang babae, pawang taga-Seoul, South Korea at nagbabakasyon lamang sa isla.


Habang ang driver ay kinilalang si Ronaldo Lorenzo, 34, ng Brgy. Vivo, Tangalan, Aklan.


Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), nangyari ang insidente matapos na mahulog ang dalawang bag ng mga biktima mula sa itaas ng tricycle.


Bumangga sa gulong ang nahulog na mga bag dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at sumadsad sa nasabing lugar.


Isinugod sa Boracay District Hospital ang mga biktima dahil sa natamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


The post 5 Koreano sugatan sa aksidente sa Bora appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



5 Koreano sugatan sa aksidente sa Bora


No comments:

Post a Comment