Saturday, June 7, 2014

Biktima ng sunog sa Pasay, pagkakalooban ng benepisyo

PAGKAKALOOBAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng assistance ang mga kaanak ng walong (8) manggagawa na namatay sa naganap na sunog sa Pasay City gayundin ang iba pang survivors.


Ayon kay DOLE Undersecretary Ciriaco Lagunzad III, tutulungan nila ang mga biktima sa sunog para ma-claim ang kanilang compensation benefits kahit pa hindi sila miyembro ng Social Security System (SSS).


“There is already an ongoing coordination between DOLE-NCR and DOLE Region 7 (Central Visayas) as to the granting of livelihood training and assistance for the survivors who expressed their interest to go back to Negros Oriental,” ani Lagunzad. (http://ift.tt/1oxIwaN).


Inihahanda na rin aniya ng DOLE-NCR ang livelihood proposal para sa mga survivors habang ang DOLE Region 7 ay tumitingin na rin ng posibleng livelihood para sa mga ito.


Matatandaan na walong manggagagawang babae ang namatay sa sunog sa isang 2-storey na bahay at warehouse sa Asia Metrotech Coby Trading na matatagpuan sa 317 P. Samonte Street, Brgy. 47 Zone 6, Pasay City.


Sa imbestigasyon,lumalabas na ang sunog ay nagsimula sa electrical wiring.


The post Biktima ng sunog sa Pasay, pagkakalooban ng benepisyo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Biktima ng sunog sa Pasay, pagkakalooban ng benepisyo


No comments:

Post a Comment