Thursday, June 5, 2014

“Babae” ni Cesar Montano karelasyon ng preso?

MARAMI ang nagtataka kung ano ang kaugnayan ni Krista Miller sa isang inmate na lider daw ng Sigue-Sigue Sputnik at convicted drug lord Ricardo Camata. Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, naging bisita raw ang starlet last May 31 nang ma-hospital ang huli sa Metropolitan Hospital in Manila. Kitang-kita raw mismo sa CCTV ang pagpasok at paglabas ni Krista.


“Iyong babae na ‘yun si Krista Miller. Sinabi ng mga jail guards, tapos inamin daw ni Camata sa mga investigator ng BuCor (Bureau of Corrections) na siya nga ‘yung guest niya sa araw na ‘yun,” sabi ni Baraan sa radio interview sa kanya sa DZMM.


Ang matindi nito, may escort pa raw na dalawang lalaki ang umano’y naging kabit noon ni Cesar Montano habang papunta sa room ng nasabing preso. Ang siste pa, si Camata ay nagkukunwari lang daw may sakit para mapunta sa hospital pero ang sadya pala ay upang makipag-loving-loving sa mga chicks, at isa na nga raw doon si Miller?


“Ni hindi man lang nila kinapkapan, hindi kinuha ‘yung pangalan, hindi ni-logbook nu’ng pagpasok at paglabas. Si Camata, ayun, sumalubong siya. Ang lakas-lakas niya. Eh, akala ko ba siya ay between life and death, eh, mas malakas pa sa kabayo ang itsura niya,” ayon pa sa Justice Undersecretary.


Sa ngayon ay iniimbestigahan na ni Justice Secretary ang nasabing insidente at ang special treatment na ibinibigay umano sa mga nakakulong na mga bigating tao.


***


NGAYON LANG DAW SUMAYA SI MATTEO DAHIL KAY SARAH


MASAYANG-MASAYA raw ngayon si Matteo Guidicelli dahil kay Sarah Geronimo. Ngayon lang daw siya naging ganito kasaya, lalo na ngayong sunod-sunod ang date nila. May asungot lang daw na bumubuntot (Courtesy of Mommy Divine) sa dalawa habang nagbo-bonding sila. At nitong dalawang magkasunod na date nila ay kasama pa ang mag-asawang Judy Ann Santos at mister nitong si Ryan Agoncillo pero nandoon pa rin daw ang aso, este, ang tao ng nanay ng pop princess. Hehehe!


Bakit nga ba masyadong open ngayon sa kanilang relasyon sina Sarita at Matteo? “Ewan ko kung tamang panahon ba but wala naman akong dine-deny. Wala naman akong sinabi. Basta we are just enjoying every moment and just doing our own thing.


“I think it’s time for Sarah to enjoy her life more. She’s already 25 and she’s starting to enjoy everything much more. I’m happy for that,” sabi ni Guidicelli.


Ayon pa sa binata, lahat ng kanyang pamilya ay boto sa dalaga ni Mommy Divine.


“My mom loves Sarah. Okay naman, okay naman lahat.


“I guess she deserves every bit of it. She’s amazing, she’s talented. I think she deserves to enjoy her life more.”


***


GUESTS NI GERALD SANTOS, DADAGSA SA KANYANG CONCERT


SA June 28, na ang “It’s Time” concert ni Gerald Santos sa SM North Edsa SKYDOME. Malapit nang makumpleto ang kanyang mga guests, at igurado ng magpe-perform sina Faith Cuneta, Pinoy Pop Superstar Alumni Jonalyn Viray, Brenan Espartinez, Maricris Garcia, Bryan Termulo, Harry Santos, Ms. Jaya at iba pang surprise guests. Para sa mga wala pang tiket, mag-log in lang kayo sa SMTICKETS -http://ift.tt/1bqG3vh. At para sa iba pang mga detalye, tumawag lamang sa 470-22-22.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post “Babae” ni Cesar Montano karelasyon ng preso? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



“Babae” ni Cesar Montano karelasyon ng preso?


No comments:

Post a Comment