BASAG ang panga at nalagas ang ilang ngipinng apo ng manghuhulang si Madame Auring matapos agawan ng bag ng holdaper sa Novaliches, Quezon City.
Batay sa salaysay ng biktimang si Daryl Simon Pecson, naglalakad siya sa kahabaan ng Sangandaan nang hablutin ang kanyang shoulder bag ng lalakeng nakasakay sa passenger’s side ng isang blue Toyota Revo.
Sinubukan ng biktima na di bitiwan ang bag at buksan ang pintuan sa kanang unahang bahagi ng sasakyan subalit bumagsak ang biktima sa semento na una ang mukha.
Nagawang maplakahan ang nasabing Toyota revo subalit napag-alaman na nakarehistro ang nasabing plaka sa isang Honda CRV.
The post Apo ni Madame Auring kumasa sa holdap, malubha appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment