NAPATUMBA ng nag-iisang pulis ang dalawang lalaki na nagtangkang tangayin ang kanyang motorsiklo sa Cavite province nitong Martes ng hapon, Hunyo 3.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang dalawang hindi nakikilalang suspek na inilarawang 33-38 anyos, nakasuot ng shorts na maong at t- shirt.
Sugatan naman sa binti ang isang lalaking istambay na hindi nakuha ang pangalan at ngayon ay nagpapagaling na lamang sa ospital.
Sa ulat, naganap ang insidente ala-1 p.m. sa Governor Pascual St., Barangay Sampaloc, Dasmarinas, Cavite.
Ayon kay P02 Francis Hernandez, bago ang insidente ay natiyempuhan niyang tinatangay ng mga suspek ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa tapat ng kanyang bahay.
Sinita niya ang dalawa pero sa halip sumuko ay ay pinaputukan siya ng baril kaya gumanti siya ng putok at napatimbuwang ang dalawang suspek.
Sa hindi kalayuang lugar, nabatid na lamang na may tinamaan ng ligaw na bala at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
The post 2 motorcycle thieves lagas sa engkuwentro; istambay sugatan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment