WALANG malinaw na tugon ang pamahalaan, lalo na ang king-inang mga Department of Education at Commission on Higher Education!
Ito ang malinaw na naiintindihan ng mga makakalos na titser sa kolehiyo kapag umiral na nang buo ang K+12 program ng Department of Education.
Sa programang ito, parekoy, lalamunin ng K+12 ang unang dalawang taon ng kolehiyo.
Magsisimulang mawala ang first year college sa 2016 sa pag-iral ng Grade 11 ng K+12 at ang second year college dahil naman sa Grade 12.
Ang mga guro sa first at second year college ang maglalaho o mawawalan ng trabaho.
At alam ba ninyo, parekoy, kung ilan ang mawawalan ng trabaho? King-ina, tumataginting na 81,000, ayon na rin mismo sa CHED.
Sumulat na ang mga titser sa CHED pero hanggang sa mga araw na ito, wala pang malinaw na programa ito kung paano magkakaroon ng teaching load ang mga ito. Tila wala namang paki ang mga hijo de puta sa DepEd kahit sila ang nagpasimula ng gulo rito.
Pawang mga masteral at doctoral degrees ang mga titser na ito.
Sabi, maaaring makapagturo ang mga ito kung kukuha sila ng kurso sa pang-haiskul at kumuha ng exam para sa mga guro na nababagay sa Grade 11 at 12.
Dito pa lang ay tumitindig na ang kanilang balahibo.
Una, kailangan nilang mag-aral at gumastos ulit.
Ikalawa, habang nangyayari ito, problema nila ang pambayad ng kanilang mga utang, panghulog ng mga hinuhulugan nilang bahay, pampaaral sa kanilang mga anak at marami pa.
Ikatlo, nagbabadya ang katotohanang makikipagsiksikan sila sa libo-libo ring nauna nang nakatapos ng kurso para sa K+12 sa pag-aaplay. Alalahaning sobra-sobra na ang mga guro sa buong Pinas.
Dapat na ituring itong emergency ngayon pa lang at dapat nang simulang lutasin.
Pero wala ngang malinaw at kung mayroon man ay malabong tugon mula sa pamahalaan.
Pero kung pulitika lang ito, mayroon agad kalutasan ang pamahalaan, lalo na kung nasa oposisyon ang mga guro.
Tiyak na ngayon pa lang ay hinahanapan na sila ng butas para mademanda at makulong gaya ng pinaggagawa ng mga hijo de puta sa tatlong senador ngayon.
Ganyan kagaling na gagawa ng remedyo ang gobyerno kung kalaban ka.
Pero itinuturing nito na mga ordinaryong tao ang mga titser na pupuwedeng hindi pakinggan ang mga hinaing. Mamatay man sila sa gutom at magkandahirap-hirap, bahala sila sa buhay nila. Ang galing…Grrrrrrrrr!
The post 81,000 GURONG MASISIBAK SA K+12 KALINGAIN! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment