Wednesday, June 4, 2014

Walang paki kung mauntog, matamaan at masipa ang tarugs!

PLANTSA Queen kung ituring si Pokwang dahil sa mga eksena nila ni Zanjoe Marudo sa My Illegal Wife. May shoot sila na halos buong araw ay magkasama sila sa kama at na naka-boxers lang si Z at naka-tangga naman si Pokwang.


Sey ni Zanjoe: “Nu’ng tumagal, wala nang pakialamanan, eh. Kahit mauntog na, matamaan na, masipa na ‘yung kung anu-ano.”


Kung saan-saan daw dumapo ang kamay ni Pokie kay Z. Pagbibiro niya, kasama raw sa script, idinagdag niya. “Plantsa-plantsa!” sambit ng komedyana.


“Plantsa lang naman, wala namang masama. Naplantsa ko lang!” hirit ni Pokwang


Kamusta ang “pamamlantsa” niya?


“Keri, keri! Ha! Ha! Ha!,” tugon niya sabay tawanan.


Sa June 11 ang showing nationwide ng My Illegal Wife.


Loveless raw ngayon si Pokie pero gusto pa rin niyang magkaroon ng boyfriend.


“Pagka-graduate ng anak ko? kinabukasan rarampa ako,” sey ni Pokwang.


“In fairness sa anak ko, sabi lang niya, ‘Make sure ‘di ka na sosyonga-syonga, ha? baka mamaya palpak ang makukuha mo, kagaya nangyari before.


“Pero syempre ako? actually pagka nakikita kong nagsasalita ang anak ko sa akin ng ganu’n naeengganyo ako na maging mas matalino, mas maging matino sa pagpili.”


Naikuwento rin ni Pokie na gusto magpunta ng anak niya sa Japan.


“Nagulat lang lang ako, two weeks ago, sabi niya ‘Ma, gusto kong pumunta ng Japan’ Sabi ko, ‘Hintay muna.. kasi may U.S. tour kami nina Pooh, K Brosas, at Chokoleit ng October.”


“Masasama ko siya dahil sem break. Sabi niya sa akin, gusto raw niyang pumunta ng Japan, hopefully, end of this year naman.”


Okey lang kay Pokwang kung makita ng kanyang anak ang kanyang ama.


“Oo naman, at least buo ang pagkatao niya,” sey pa niya.


Boom patok!!


-0o0-


HINDI pa talaga handa na makipagkaibigan si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica.


Nagkita sila sa Sunday All Stars nu’ng Linggo, bumeso si Aljur pero dineadma raw ni Kylie. How true na nagpaparamdam daw si Aljur na makipagbalikan pero sobrang nasaktan si Kylie.


Balitang ang mga kasamahan nila sa SAS ay nakikisimpatya kay Kylie at kay Enzo Pineda kumpara sa magkatambal sa Kambal Sirena na sina Louise Delos Reyes at Aljur.


Tsuk!


-0o0-


MULI na namang nanguna ang ABS-CBN sa buong bansa matapos subaybayan sa mas maraming kabahayan ang mga programa nito kumpara sa ibang TV channels noong Mayo.

Pumalo ang average audience share nito sa 44% para nasabing buwan, base sa datos ng Kantar Media.


Agad na umariba ang singing-reality show na “The Voice Kids” bilang numero unong programa sa buwan ng Mayo dahil sa average national TV rating nito 34.1%. Kumapit agad ang mga manonood sa pilot episode pa lamang nito noong Mayo 24 na nagtamo ng national TV rating na 33.3%.


Bukod sa The Voice Kids, nilimas din ng iba pang programa ng ABS-CBN ang lahat ng puwesto sa listahan ng top 10 shows na pinakapinanood sa buong bansa noong Mayo.

Kabilang dito ang “Dyesebel” (30.6%), “Ikaw Lamang” (30.5%), “Maalaala Mo Kaya” (28.6%), “Wansapanataym” (26.3%), “The Legal Wife” (26%), “TV Patrol” (25.6%), “Rated K” (22.3%), “Mirabella” (20%), at ang “Bet On Your Baby” at “Home Sweetie Home” (19.5%).


Humataw din noong Mayo 18 ang pagbabalik ng patok na showbiz-oriented talk show na “The Buzz,” na ngayon ay “The Buzz 15,” na nakakuha ng national TV rating of 8.9%.


Isa pang pagbabalik ang mainit na sinalubong ng mga Pinoy, at ito ay ang muling pagbida ng Philippines’ King of Asianovelas na si Lee Min Ho sa telebisyon sa pamamagitan ng panghapong Koreanovela na “The Heirs” noong Mayo 26. Nagtala ang pilot episode nito ng 13% na national TV.


Talbog!


The post Walang paki kung mauntog, matamaan at masipa ang tarugs! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Walang paki kung mauntog, matamaan at masipa ang tarugs!


No comments:

Post a Comment