HINDI titigil ang oposisyon sa Kamara hangga’t hindi lumulutang ang katotohanan ukol sa mga ulat ukol sa pagbibigay ng VIP treatment sa mga high profile na bilanggo sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.
Binigyang diin ni Independent Minority Leader Ferdinand Martin Romualdez na matagal nang may mga ulat ng special treatment sa mayayaman o may perang bilanggo sa bilibid tulad ng air-conditioned na kulungan, malalaking screen television at home entertainment appliances, at maging ng WiFi connection at high-end cellular phones para sa mas mabilis na access sa kanilang kontak sa labas.
Pangungunahan ng grupo ni Romualdez ang imbestigasyon upang masawata na ang ganitong mga pagtrato at pagkiling na nangyayari sa loob ng mga bilangguan hindi lamang sa NBP kundi maging sa ibang detention facilities.
Nais din nilang malaman kung may ipinatutupad na pagbabawal o parusa sa mga prison officials at empleyado na kumukunsinti rito.
Nauna rito ay lumabas ang ulat na tatlong inmates na dinala sa iba’t ibang ospital na kinilalang sina Ricardo Camata, convicted drug lord at sigue-sigue sputnik gang; Herbert Colangco alyas Ampang, leader ng bank robbery gang at drug lord Amin Buratong, operator ng drug flea market sa Pasig City.
Pinagpapaliwanag din ng IMB si Justice Secretary Leila de Lima at kung nagsagawa na ito ng pagsisiyasat sa usapin.
Hamon ni Romualdez na hindi dapag mag-aksaya ng panahon si de Lima at kailangang bigyan din ng sapat na atensiyon ang nakababahalang isyu na ito.
The post VIP treatment sa mga presong may pera kakalkalin appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment