MULI na namang magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa anumang araw ngayong linggo bunsod na rin sa paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
May posibilidad na madagdagan ng P0.30 hanggang P0.50 ang presyo kada litro sa gasolina habang P0.50 hanggang P0.25 sentimos kada litro naman sa diesel habang matatapyasan naman ng P0.15 hanggang P0.30 ang presyo kada litro ng kerosene.
Ayon naman kina Petron Strategic Communications Manager Raffy Ledesma, Toby Nebrida ng Pilipinas Shell at Iris Reyes ng Total Philippines, ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay ibinase sa patuloy na paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Magugunitang huling nagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo noong Mayo 27 ng P0.55 kada litro ng unleaded at premium gasoline, P0.20 kada litro ng diesel habang hindi naman gumalaw ang presyo ng kerosene.
The post UPDATE: Taas-presyo sa petrolyo nakaamba appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment