Wednesday, June 25, 2014

TNT humirit ng do-or-die match vs Mixers

LUMAKAS ang signal ng Talk ‘N Text Tropang Texters para maglaro finals matapos pindutin ang 84-81 overtime win laban sa San Mig Super Coffee Mixers kagabi sa nagaganap na semifinals ng PLDT Home TelPad PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum.


Lubog sa 0-2 serye ang TNT matapos silang higupin ng Mixers sa Games 1 at 2.


Subalit kumana ang Tropang Texters sa Games 3 at 4 upang itabla ang serye sa kanilang best-of-five semis.


Kumana si import Paul Harris ng 22 points, 13 rebounds at tatlong assists upang ihirit ang Tropa sa do-or-die Game bukas.


Lamang ang TNT ng dalawang puntos, 74-72 subalit naitabla ito ni San Mig superstar at two-time MVP James Yap sa huling tatlong segundo sa fourth period para makahirit ng extra period.


Nag-ambag sina Jayson Castro at Larry Fonacier ng tig-11 puntos habang 9 puntos at 12 boards ang binakas ni Ranidel de Ocampo para sa Tropang Texters.


Si Yap ang nanguna sa opensa ng defending champion San Mig matapos magtala ng 23 puntos habang may tig-12 markers sina Marc Pingris, PJ Simon at reigning best import Marcus Blakely.


The post TNT humirit ng do-or-die match vs Mixers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TNT humirit ng do-or-die match vs Mixers


No comments:

Post a Comment