INANUNSIYO ngayon ng PAGASA na nararamdaman na ang habagat o monsoon sa buong bansa kaya malapit na nilang ideklara ang rainy season.
Ayon kay Samuel Duran, PAGASA Weather Forecaster, official announcement na lamang mula sa mga opisyal ng PAGASA ang hinihintay para ideklara ang panahon ng tag-ulan ngayong Hunyo.
Aniya, sa kanilang weather satellite ay nakikita na ang habahat sa kanluran ng Luzon na naghahatid ng pag-ulan sa rehiyon.
Malaking epekto rin aniya ang Low Pressure Area (LPA) na nasa Basco Batanes, sa pag-ulan sa Metro Manila area kaninang madaling-araw.
The post Tag-ulan, official announcement na lang ang hinihintay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment