Thursday, June 19, 2014

Sundalo vs ASG sa Sulu, 10 patay, 24 sugatan

SA pagpapatuloy ng isinasagawang pursuit operation ng mga sundalo laban sa bandidong grupo ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa munisipyo ng Patikul sa Sulu, kinumpirma ngayon ng militar na umabot sa 10 ang bilang mga nasawi sa panig ng mga bandido.


Sa ulat mula kay Maria Rowena Muyuela, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), sa nasabing bilang ng mga nasawi, isang bangkay umano ng bandido ang kanilang narekober habang ang iba naman ay base na rin sa nakalap nilang impormasyon mula sa mga residente sa lugar.


Maliban sa mga nakumpirmang patay, marami din umano ang nasugatan sa ASG.


Sinabi ni Muyuela na alas-6:30 kahapon nang unang maka-engkuwentro ng tropa ng 2nd Marine Brigade ang hindi pa tinukoy na bilang ng mga bandido na pinangungunahan umano ng isang ASG Commander Hairula Asbang partikular sa may Sitio Sangay, Barangay Buhanginan na nagresulta rin sa magkahiwalay na engkwentro sa nasabing munisipyo.


Ang ilang oras na sagupaan ay nag-iwan ng pitong patay na sundalo habang umakyat naman sa 24 ang sugatan sa mga sundalong marino.


Ayon kay Lt. Col Ulay, Civil Military Operations Chief ng 2nd Marine Brigade sa Sulu,sa Camp. Navarro General Hospital sa loob ng WetMinCom sa Zamboanga City ang mga sundalong nagtamo ng mga pinsala sa katawan.


Karamihan umano ng mga casualty sa panig ng mga sundalo ay tinamaan ng mortar fire na nanggaling sa grupo ng ASG.


Napag-alaman din na kabilang sa mga nasawing sundalo ay ang isang opisyal na hindi pa pinangalanan.


The post Sundalo vs ASG sa Sulu, 10 patay, 24 sugatan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sundalo vs ASG sa Sulu, 10 patay, 24 sugatan


No comments:

Post a Comment