TINIYAK ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na stable ang power reserves ng Pilipinas, sa pagbubukas ng klase, simula ngayong araw.
Ayon sa NGCP, tinataya sa 1,500 megawatts ang power reserve para sa Luzon; 86 megawatts para sa Visayas at 88 megawatts para sa Mindanao.
Inaasahang aabutin ng 9,502 megawatts ang available power supply sa Luzon at tinaya naman sa 8,301 megawatts ang demand.
Ang Visayas grid naman ay may supply na 1,603 megawatts at demand na 1,600 megawatts.
Samantala, inaasahang aabutin ng 1,408 megawatts ang supply para sa Mindanao sa kabila ng demand na 1,309 megawatts.
The post Stable na suplay ng kuryente, tiniyak ngayong araw appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment