Thursday, June 26, 2014

Sta. Ana station ng Pasig river ferry, bukas na

BINUKSAN na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang bagong istasyon ng Pasig river ferry ngayong araw sa Sta.Ana, Maynila.


Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magsisimula ang biyahe ng ferry ganap na alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon.


Nabatid na may lima nang istasyon ng Pasig River ferry at ika-anim ang istasyon sa Sta. Ana, Maynila.


Plano naman ng ahensya na mapalawak pa at maparami ang mga istasyon ng ferry na maaring gawing alternatibong sasakyan.


The post Sta. Ana station ng Pasig river ferry, bukas na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sta. Ana station ng Pasig river ferry, bukas na


No comments:

Post a Comment