Wednesday, June 18, 2014

Si mommy Divine dapat ang inalok ng tirang pagkain

NU’NG bago pa lang si Sarah Geronimo, laging nati-tsismis ang kanyang nanay na si Mommy Divine na nag-uuwi ng tirang pagkain mula sa mga pagtitipon na dinadaluhan nito. Natatawa marahil ang iba pero walang mali rito. Mas malulugod pa nga ang Diyos dahil ang grasyang kanyang ibinibigay ay pinahahalagahan, hindi itinatapon sa basurahan.


Pero iba pala ang dating nito sa nanay ni Sarah Lahbati na si Ester Lahbati, kahiya-hiya raw ito? Baka ang pagkakaintindi nito nang alukin siya ni Annabelle Rama pati ang mga amiga nito ay iuwi ang natirang pagkain sa mga plato, ay tange! Ang inaalok sa kanya ay ‘yong mga natira sa handa. Giatay!


May isang guest ang hindi nakatiis sa mga pinagsasabi ni Aling Ester sa Instagram kaya nagpahayag ito ng kanyang sariling saloobin at kung ano ang totoong nakita at narinig niya.


“I was bothered when I read the post of Ester about Annabelle. I was a guest at the party and I witnessed everything. Annabelle was busy entertaining the guests and at the end of the party I also heard her telling Ester and her amigas to take home the food kasi sayang ang daming tira. I don’t think her intention was to belittle Ester.”


Mismong si Bisaya ay ayaw na ring patulan ang kanyang kumareng hilaw.


“To all my followers, good afternoon, I know you all missed my tweets. Busy ako kay Baby Zion, nakaka-inlove, nakawawala ng stress kaya ‘di ko na pinapansin lahat ng mga intriga. Ayaw kong pumatol sa mga taong kinakawawa ang sarili nila. Basta ako, I won’t allow myself to be kawawa, move on, forget the past. Kung ako pa sa iyo, laruin mo na lang si Zion para mawala ang negative vibes sa katawan mo.”


Naku, mag-seminar ka nga Aling Ester kay Mommy Divine kung paanong magkumbaba at maging masinop sa buhay. Tanungin mo na rin si Tita Lolit (Solis), ang original na ‘balot queen’ na kaya patuloy na yumayaman ay dahil walang tapon sa kanya.


Kung kami ang nandoon at inalok kami ni Madam Annabelle, baka nag-request pa kami sa kanya ng malaki-laking plastic bag para marami ang magetsing naming foods. Hahaha!


Anyway, mas kapaki-pakinabang pang pag-usapan ang bagong pelikula ni Richard Gutierrez under GMA Films, ang “Overtime” na palabas na sa July 2. Nung una naming mapanood ang trailer nito akala namin ay Hollywood movie. Hightech kasi ang approach. In fact, ang kuwento ay tungkol sa isang hacker at sa kanyang biktima.


Under the direction of Earl Ignacio and Wency Ong, movie-goers can expect an interesting and exciting storyline. Overtime will definitely keep the audience on the edge of their seats and at the same time will have a fun time watching.


“Story is there are no clear good guys and bad guys. ‘Yung roles nila Richard at Lauren (Young) ay parehong mabait at masama. Hindi mo alam sinong kakampihan mo. I think medyo bago ‘yung ganoong approach when it comes to Filipino movies,” ayon kay direk Wency.


“Hindi siya love story, hindi horror, hindi slapstick comedy. May mga parts na nakatatawa pero hindi dahil pinilit naming magpatawa. We tried to do something different but at the same time ay accessible pa rin with this film and I believe we have achieved that,” sabi naman ni direk Earl.


Kasama rin sa casts sina Mitch Valdez, Bearwin Meily, Roadfill, Renz Valerio and Mr. Roi Vinzon. With special participation of William Martinez, Yayo Aguila, Edwin Reyes, Ruby Ruiz, Frencheska Farr and Elly Ramirez.


***


LANCE RAYMUNDO BINALIKAN ANG GAMIT NA KAMUNTIK NANG PUMATAY SA KANYA


BALIK-ehersisyo na naman si Lance Raymundo, at kanya ring binalikan ang mga gamit sa gym na kamuntik nang pumatay sa kanya. Pero this time ay sa bahay lang muna siya at light exercise lang ang kailangan niyang gawin.


“Today-June 19, 2014 – Exactly 3 Months after my accident, the Doctors finally gave me clearance to get back to my life routine – slowly but surely! Thank you very much to everyone who have been there for me throughout this episode of my life! Time for us to move forward and be the best we can all be in this life! ?#”God” bless us all! Love, Strength & WolfhooD!” ani Lance.


“Starting to get back in shape slowly but surely with light weights in a simple gym set up here at home!” dagdag pa nito.


Labis-labis naman ang pasasalamat ng kanyang inang si Nina Zaldua Raymundo dahil sa milagrong pagkakaligtas niya sa kamatayan. Partikular na pinasalamatan nito si Mother Ignacia, mga doktor at lahat na nagdasal para sa actor/singer.


“Thanking GOD for the gift of your new life, with the intercession of Mother Ignacia, all your kind hearted doctors and the many who lovingly shared their kindness and prayers. Yes! You are back with so much blessings to share your person and mission. I love you my anak!”


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Si mommy Divine dapat ang inalok ng tirang pagkain appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Si mommy Divine dapat ang inalok ng tirang pagkain


No comments:

Post a Comment