SA pamamagitan ng pagiging bukas-palad at matulungin sa kapwa, nakatagpo ng tagumpay ang isang kababayan nating OFW sa Singapore na si Ronnie Albeus!
Bago pa man nakarating sa Singapore ay isa nang OFW sa Saudi Arabia si Ronnie, halos anim na taon rin siyang namalagi roon upang maghanapbuhay. Nang matapos ang kanyang kontrata ay umuwi siya sa bansa upang alagaan ang amang maysakit.
Taong 1993, dumating ang isang oportunidad kay Ronnie upang muling makalabas ng bansa at magtrabaho sa Singapore bilang empleyado ng Sun Tech City.
“I worked as a document control manager Supervisor at the Suntech City project. Then after I completed my task, I become the company quality assurance manager. In between, I do also the supervision of the safety management system in the company.” Kwento niya.
Dahil na rin sa pagiging organisado at malinis ng Singapore ay naibigan ni Ronnie ang pananatili roon.
Ayon pa sa kanya ay naging madali rin para sa kanya ang pag-aadjust sa pamumuhay roon nang siya’y mapabilang sa iba’t ibang organisasyon roon, kabilang na rito ang isang church group kung saan ay isa siya sa mga nag-oorganisa ng mga misa na gumagamit ng lengguwaheng Pilipino.
Iyon ang naging simula upang madama niya ang pagnanais na makapagtatag at makabuo ng mga organisasyong naglalayong umalalay at umagapay sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong at suporta.
Hindi nagtagal ay napasimulan niya ang mga organisasyong gaya ng Bicolano Association sa nasabing bansa at ang Filipino Catholic Community Association of Singapore.
Dito nagbukas ang pintuan ng maraming oprtunindad para sa kanya, sapagkat napabilang rin siya at nabigyan ng pagkakataon upang gampanan ang pagiging bise-presidente ng Overseas Filipino Workers of Singapore.
Makalipas lamang ang maikling panahon ay muling napansin ang kakayahan ni Ronnie bilang isang leader, naging vice president rin siya ng Filipino Association in Singapore, hanggang sa siya na ang itanghal at kilalaning president nito nang maglaon.
“The organization is looking forward to help others. We do feeding program, reach out to those domestic helpers that are affected by their employments in Singapore, for those not
giving salaries, those molested, those raped and those other cases that were being handled by our labor attache in Singapore. We organize sports tournament, the search for Filipino idol to discover more talent and to make this people more productive while they are staying in Singapore, through this, we can discover and let this people be recognized, so they can maximize their talent and showcase it to the entire Singapore community.” Pagbabahagi niya ng mga proyekto at adhikain ng kanilang organisasyon.
Masasabing tunay ngang matagumpay si Ronnie sapagkat hindi lamang mga pagkilala ang kanyang natanggap dahil sa kanyang mga ginagawa, naranasan rin niyang lumahok sa International congress bilang kinatawan ng kanyang organisasyon, at dito ay nakasama niya ang mga international leaders sa buong mundo.
Subalit para kay Ronnie Albeus ay higit na matamis ang tagumpay ng pagtulong sa kapwa kahit sa munting mga paraan sa panahon ng pangangailangan ng mga ito.
***
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng
Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.
The post RONNIE’S HELPING HAND appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment